Nasamsam ang mahigit Php1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nagresulta sa pagkakadakip ng babaeng suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Labangal, General Santos City noong Hulyo 17, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director, Police Regional Office 12, ang suspek na si alias Vilma, 49 taong gulang, residente ng naturang barangay, na dinakip sa bisa ng search warrant na ipinatupad ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at General Santos City Police Station 2.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 10 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 227.8 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php1,549,040 at iba pang non-drug items.
Ang bawat matagumpay na operasyon ay patunay na ang batas ay patuloy na umaabot sa mga lumalabag dito. Patuloy nating pangangalagaan ang ating mga komunidad laban sa banta ng ilegal na droga upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas. Saad ni PBGen Manibog.
Source: Police Regional Office 12



