Nasabat ang nasa mahigit Php1.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakadakip ng isang lalaki sa ikinasang joint intelligence-driven operation ng mga awtoridad sa Purok Bagong Silang, Barangay Looc, Tuburan, Malangas, Zamboanga Sibugay nito lamang Hunyo 14, 2026.
Ayon kay Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director, Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Malangas Municipal Police Station, Zamboanga Sibugay Provincial Intelligence Unit; Regional Intelligence Unit 9; 1st Provincial Mobile Force Company; 903rd Regional Mobile Force Battalion 9; at Bureau of Customs–ZAMPEN.
Narekober sa naturang operasyon ang limang master cases ng Stone Menthol Cigarettes, anim na master cases ng U2 Full Flavour Taste Guard Cigarettes, limang master cases ng Capital Menthol Cigarettes, dalawang master cases ng U2 Classic Cigarettes, at dalawang master cases ng YS Menthol Plus Cigarettes.
Nasa kabuuang 20 master cases ng assorted na smuggled na sigarilyo na aabot sa Php1,146,000 ang nasabat. Narekober din ang isang orange-colored pump boat na walang makina na aabot sa Php50,000.
“Patuloy naming palalakasin ang aming mga operasyon upang sugpuin ang smuggling. Walang puwang ang ganitong ilegal na gawain sa ating komunidad. Ang tagumpay na ito ay patunay na ang mahusay na koordinasyon at mahigpit na disiplina ay nagbubunga ng makabuluhan at konkretong resulta.” saad ni PCol Dasugo.



