Nagpakita ng mabilis na pagtugon ang mga tauhan ng Boliney Municipal Police Station (MPS) matapos nilang matulungan ang isang pampasaherong jeepney na na-stranded sa maputik at madulas na bahagi ng kalsada sa Brgy. Danac, Boliney, Abra noong Hunyo 13, 2026. Ang grupo, na pinamunuan ni PSMS Noli Magayam, ay pauwi na mula sa isinagawang barangay visitation nang mamataan ang sasakyang hindi makausad dahil sa masamang kondisyon ng daan.
Agad na nagsagawa ng assessment ang mga pulis at nagbigay ng kinakailangang tulong sa drayber at mga pasahero. Gamit ang kanilang patrol vehicle, matagumpay nilang nahila at naiahon ang jeepney mula sa maputik na bahagi ng kalsada, na nagbigay-daan upang maipagpatuloy ng mga pasahero ang kanilang biyahe nang ligtas.
Dahil sa maagap na aksyon ng Boliney MPS, naiwasan ang mas matinding abala at posibleng panganib sa mga biyahero sa gitna ng hamon na dulot ng kondisyon ng kalsada.
Patunay ang pagtugon ng Boliney MPS sa patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa pagbibigay ng serbisyong makatao at nakatuon sa kapakanan ng komunidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, higit na napatitibay ang tiwala at pakikipagtulungan ng mamamayan sa kapulisan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Abra Boliney



