PD PCol Miranda, personal na tiniyak ang seguridad at kahandaan ng lalawigan ng Sorsogon sa “UNDAS 2026”

0
59

Patuloy ang pagtiyak ng kahandaan at seguridad ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO) sa buong lalawigan kasabay ng paggunita ng “UNDAS 2026,” mula October 31 hanggang November 2, 2026.

Personal na nagsagawa ng pag-iikot si PCol Darwin S Miranda, Provincial Director ng Sorsogon (PPO), sa iba’t ibang sementeryo, terminal, at mga lugar na may nakatalagang police personnel sa buong lalawigan, mula Sorsogon City hanggang Matnog, upang inspeksyunin ang kahandaan ng mga tauhan at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pang-seguridad para sa ligtas at maayos na paggunita sa Undas 2026.

Sa kanyang pag-iikot, personal na kinumusta at ininspeksyon ni PCol Miranda ang mga nakatalagang tauhan upang matiyak na sapat at maayos ang deployment ng mga ito, gayundin ang kanilang kahandaan na agad tumugon sa pangangailangan ng publiko, lalo na ng mga dadalaw sa sementeryo at mga biyahero ngayong Undas.

Sa pangunguna ni PCol Miranda, patuloy na pinaiigting ng Sorsogon PPO ang seguridad at pagpapanatili ng kaayusan upang matiyak ang ligtas, maayos, at payapang paggunita sa Undas 2026 alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19kE7eRRGm/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply