Itinalaga bilang bagong Acting Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region si Police Brigadier General Christopher M Abecia nito lamang Mayo 1, 2026 sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Si PBGen Abecia ay miyembro ng PNPA “SANDIGAN” Class 1994 at kilala bilang isang batikang pulis dahil sa kanyang propesyonalismo at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Pinalitan ni PBGen Abecia si Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, na itinalaga naman bilang Acting Director ng The Directorate for Personnel and Records Management.
Nagkaroon ng “Talk to Men” upang itaas ang morale and welfare ng kapulisan. Nagsilbi rin itong pagkakataon para sa parehong incoming at outgoing Regional Director na direktang makipag-ugnayan sa mga tropa, naghatid ng kanilang pananaw, mga inaasahan, at patuloy na suporta para sa mga kalalakihan at kababaihan na bumubuo ng PRO BAR upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at seguridad tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa Bangsamoro Region.



