2 indibidwal, huli sa akto ng pagnanakaw sa Quezon City dahil sa mabilis na responde ng NCRPO

0
22

Huli sa akto ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa mabilis na responde ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office sa tulong ng bumubuo ng homeowners association nito lamang madaling araw ng Mayo 2, 2026 sa Barangay Sta. Cruz, Quezon City.

Ayon kay Police Major General Anthony A. Aberin, Regional Director ng NCRPO, nahuli ang dalawang suspek na isang 35-anyos na may dating ng records sa kasong theft, illegal drug possession (RA 9165), illegal gambling, at resisting authority at isang 29-anyos na sangkot din sa narcotics, theft at ngayon ay nahaharap sa kasong robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code.

Narekober sa naturang operasyon ang dalawang vacuum units, dalawang compressors na nagkakahalaga ng Php18,000, screwdrivers, pliers, vice grips.

“This was a crime interrupted at the point of commission. The NCRPO will continue to intensify its presence to ensure that those attempting to violate the peace in Metro Manila are held accountable,” pahayag ni PMGen Aberin.

Leave a Reply