Top 2 Station Most Wanted Person sa kasong Rape, arestado ng SPD

0
21

Arestado ng mga operatiba ng Southern Police District ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person ng Parañaque City sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay BF Homes, Parañaque City nito lamang Mayo 1, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Nicolas S. Piñon, Chief of Police ng Parañaque City Police Station, ang suspek na si alyas Christian, 21-anyos, na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A, paragraph 1(b) ng Revised Penal Code, as amended by Republic Act No. 8353, sa ilalim ng Criminal Case No. 2026-0427 na walang inirekomendang piyansa.

“Sa tulong ng ating komunidad at ng mas pinaigting na police operations, patuloy nating napapanagot ang mga taong pinaghahanap ng batas. Hinihikayat namin ang publiko na makiisa at magbigay ng impormasyon upang mas mapabilis ang paghahatid ng hustisya,” saad ni Police Brigadier General Glenn Oliver C. Cinco, District Director ng Southern Police District.

Leave a Reply