Ipapatupad ng pamunuan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, ang “no permit, no rally” policy para sa 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution sa darating na Pebrero 25, 2026.
“Ipatutupad natin ang no permit, no rally since kailangan nating makapag-prepare dahil dalawang malaking pagtitipon ito,” saad ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo.
“Ang nabigyan ng permit ay isang grupo mula sa Trillion Peso March Movement,” mensahe ni PMaj Asilo. “Nabigyan sila ng permit para sa February 25, para mag-conduct ng programa sa may White Plains.”
Samantala, nasa 14,000 pulis ang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang nagaganap ang protesta.
Source: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/977429/ncrpo-protest-policy-edsa-anniversary/story/

