Agad na sinaklolohan ng mga kapulisan ng Public Information Office ng Albay Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni PMaj Kharren R Formales ang isang indibidwal na aksidenteng tinamaan ng nahulog na metal na pinto, bandang 5:55 ng hapon noong Nobyembre 1, 2026, sa Ligao City Public Cemetery, Brgy. Tomolin, Ligao, Albay.
Naging mahalaga rin sa pagtugon sa insidente ang pakikipagtulungan ng mga boluntaryo mula sa Philippine Red Cross at ng Emergency Medical Services ng Ligao City. Sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagkilos, naipakita ang kahalagahan ng koordinasyon, pagtutulungan, at mabilis na pagkilos sa pagharap sa mga hindi inaasahang emergency.
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala na maaaring mangyari ang mga aksidente anumang oras at saanmang lugar. Dahil dito, mahalaga ang pagiging handa, maagap na pagtugon, at pakikiisa ng mga indibidwal at organisasyon upang matulungan ang mga nangangailangan.
Muling ipinakita ng Albay PPO at ng mga katuwang na responder na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nakabatay sa tungkulin, kundi higit sa lahat, sa pusong handang tumulong at magmalasakit sa kapwa saanmang lugar at anumang oras.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CaJ4D84vb/

