Php5.2M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP sa Zamboanga City

0
370

Nasabat ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 6 ang tinatayang Php5.2 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng Lapu-Lapu Drive, Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City.

Sa naturang operasyon, narekober ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 80 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na pinaniniwalaang bahagi ng ilegal na kalakalan ng mga produktong tabako.

Ayon kay PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police (PNP), mahalagang agad na masuri at maaksyunan ang mga kahina-hinalang shipment upang maiwasan ang paglaganap ng mga ilegal na aktibidad.

“Kapag may kahina-hinalang shipment, kailangan itong masuri at maaksyunan sa tamang paraan. We cannot allow illegal trade to go unchecked because it affects legitimate businesses and the broader economy. Our personnel must remain alert, act on reliable information, and ensure that every operation is carried out within the bounds of the law,” ani PGen Nartatez.

Binigyang-diin din ng PNP Chief ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng mga pulis, maagap na pagtugon sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon, at pagsasagawa ng mga operasyon alinsunod sa umiiral na batas upang mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na kalakalan.

Patuloy namang isinusulong ng Philippine National Police ang pinaigting na kampanya laban sa smuggling at iba pang uri ng ilegal na kalakalan bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan. Hinihikayat din ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng agarang pagsumbong sa mga kahina-hinalang gawain sa kanilang mga komunidad.

Source:  https://www.facebook.com/share/p/1JXTLY7j1s/

Leave a Reply