NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Calinisan, nagsagawa ng Command Visit sa PRO 10

0
635

Nagsagawa ng command visit si National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente R Calinisan sa Police Regional Office 10 (PRO10) kasabay sa idinaos na Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremony sa Camp 1Lt Vicente G. Alagar, Cagayan de Oro City nito lamang Enero 26, 2026.

Nagsilbing Guest of Honor at Speaker ng okasyon at nanguna sa paggawad ng parangal sa mga natatanging tauhan ng PNP na nagpakita ng kahusayan sa kanilang tungkulin ng Atty. Calinisan na patunay ng patuloy na adhikain ng PRO10 sa disiplina, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod sa publiko.

Minarkahan ng pagbisitang ito ang pagsisimula ng opisyal na pakikipag-ugnayan ng Komisyoner sa rehiyon at binigyang-diin ang patuloy na suporta ng NAPOLCOM sa mahigpit na koordinasyon, aktibong pamumuno, at mas pinaigting na pamamahala sa kapulisan sa Hilagang Mindanao.

Ibinahagi rin nito ang mga inisyatiba para sa morale at kapakanan ng PNP, kabilang ang pagtaas ng benepisyo sa scholarship ng mga benepisyaryo ng Killed and Wounded in Police Operations.

Matapos ang seremonya, pinangunahan ni Commissioner Calinisan, kasama sina Atty. Ramon Alfredo E. Dela Cruz, Regional Director ng NAPOLCOM Region 10, at PBGen Christopher N. Abrahano, Regional Director ng PRO10, ang pagbisita sa Regional Mobile Force Battalion 10 upang suriin ang kalagayan, kahandaan, at kapakanan ng mga tauhan.

Sinundan ito ng inspeksyon sa detention facility ng Cagayan de Oro City Police Station 6, upang tiyakin ang pagsunod sa mga pamantayan sa kustodiya at mga protocol sa seguridad. Isinagawa rin ang isang press conference kung saan tinalakay ang mahahalagang tagumpay, mga update sa polisiya, kalagayan ng mga tauhan, mga kasong administratibo, proseso ng recruitment, at ang pagsusuri ng NAPOLCOM sa integridad at performance ng mga tauhan ng PRO10.