Most Wanted sa kasong statutory rape, naaresto sa Tiwi, Albay

0
37

Sa patuloy na pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang isang wanted person na nahaharap sa kasong statutory rape sa isinagawang manhunt operation noong Mayo 27, 2026, sa bayan ng Tiwi, Albay.

Kinilala ang nadakip na akusado sa alyas na “Vin,” 34 taong gulang, isang construction worker at residente ng Ocampo, Camarines Sur.

Naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng RMFB 501st Maneuver Company, RMFB 5, Tiwi Municipal Police Station, Albay Police Provincial Office, CIDG Camarines Sur, Cyber Patrol Unit, at Tracker Team ng Office of the Regional Director.

Ayon sa PRO 5, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng kanilang walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad at mariing paninindigan na walang sinumang lalabag sa batas ang makapagtatago sa kamay ng hustisya.

Nakaangkla ang operasyon sa PNP Focused Agenda ng PNP sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations na layong higit pang paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad at tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa buong rehiyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director ng PRO 5, ipinag-utos nito ang mas pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person at mga sangkot sa karumal-dumal na krimen upang matiyak na mapapanagot ang mga ito at mabigyan ng hustisya ang mga biktima alinsunod sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply