Drug suspect, arestado sa buy-bust operation sa Cebu City; Php102K shabu, nakumpiska

0
215

Arestado ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Station 1 ng Cebu City Police Office (CCPO) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Samayo, Barangay Lorega San Miguel, Cebu City, noong Mayo 27, 2026.

Ayon kay PMaj Alvino B. Enguito, Station Commander ng PS1-CCPO, isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15 gramo at may standard drug price na Php102,000.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Police Station 1 at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ayon sa CCPO, patunay ang matagumpay na operasyon sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa ilalim ng pamumuno ni City Director PCol George V. Ylanan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Cebu City alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply