4 tulak ng droga, arestado sa buy-bust operation sa Magarao, Camarines Sur

0
118

Matagumpay na isinagawa ng Magarao Municipal Police Station ang isang buy-bust operation noong Mayo 27, 2026, sa bayan ng Magarao, Camarines Sur na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at pagkakabuwag ng isang drug den.

Ang operasyon ay pinangunahan ni PEMS Pines B. Celetaria, DCOP, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Mark N. España, Acting Chief of Police, katuwang ang PDEA Provincial Unit Camarines Sur sa pamumuno ni Silverio A. Relato, Assistant Provincial Officer, at ang Cam Sur MARPSTA.

Ang apat na naarestong suspek ay pawang mga residente ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 23 gramo at tinatayang Standard Drug Price na Php 156,400.00. Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang mga naarestong suspek ay pawang mga residente ng nasabing bayan at kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Camarines Sur para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaiigting ng PNP Magarao ang kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang isang ligtas at drug-free na komunidad.

Hinihikayat din ang publiko na makiisa at magsumbong ng anumang kahina-hinalang aktibidad bilang suporta sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply