Nakibahagi ang La Union Police Provincial Office (LUPPO) sa programang “KADIWA ng Pangulo” na isinagawa sa loob ng kampo noong Mayo 28, 2026, bilang bahagi ng pagsuporta sa adhikain ng pambansang pamahalaan na makapaghatid ng abot-kaya at de-kalidad na produkto sa publiko.
Pinangunahan ni PMaj Reymar L. Remegio, Acting Unit Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Redentor C. Ulsano, Provincial Director ng LUPPO, ang pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) para sa pagtatatag ng mga “KADIWA ng Pangulo” stalls sa loob ng kampo.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikiisa ng iba’t ibang PNP National Support Units, Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 (PDEA-RO1), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), iba pang tanggapan ng pamahalaan, at mga residente mula sa karatig barangay ng Carlatan at Lingsat.
Layunin ng “KADIWA ng Pangulo” na matulungan ang mga mamimili na makabili ng murang produkto habang binibigyan naman ng mas magandang oportunidad ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante upang mapalawak ang kanilang merkado at mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Patuloy namang ipinapakita ng LUPPO ang suporta nito sa mga programang naglalayong mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at komunidad tungo sa kaunlaran at mas maayos na serbisyo publiko.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: La Union PPO



