Monday, May 20, 2024

Miyembro ng rebeldeng grupo, balik-loob sa Pamahalaan

Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang miyembro ng rebeldeng grupo sa Labo, Camarines Norte nito lamang Mayo 8, 2024.

Ang nasabing miyembro ay kinilala sa alyas na “Ka Berto”, 32 taong gulang, binata at residente ng Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte.

Siya ay miyembro ng komunistang grupong New People’s Army (NPA) sa ilalim ng pamumuno ni Jaime Velasco alyas “Ka Senen” ng LP1 KP1 ng Armando Catapia Command.

Ang nasambit na teroristang grupo ay nagsasagawa ng kanilang operasyon sa mga munisipalidad ng Labo, Capalonga at Jose Panganiban.

Naisakatuparan ang pagsuko ni Ka Berto sa patuloy na pagsusumikap ng mga tauhan ng 2nd PMFC, Labo MPS, Capalonga MPS, CN-PIU at 503rd RMFB 5.

Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ay boluntaryo din niyang isinuko ang kanyang mga armas tulad ng baril, mga bala at iba’t ibang kagamitang pampasabog.

Ang mga isinukong kagamitan ay nasa kustodiya ng Labo MPS, samantala ang sumukong miyembro ng CTG ay nasa kustodiya ng 2nd Camarines Norter PMFC para sa kaukulang disposisyon.

Sasailalim naman ito sa “debriefing sessions” bilang bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob na ang mga miyembro ng rebeldeng grupo para sa isang mapayapang Bagong Pilipinas.

Source: CN PIO

Panulat ni Pat Rodel Grecia

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles