Misamis Occidental PNP, nakiisa sa Coastal Clean-up Activity

0
54

Nakiisa ang mga tauhan ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Reynaldo M Maclang, MNSA, Provincial Director sa isinagawang coastal clean-up activity kaugnay sa Month of the Ocean na may temang “Sustaining Ocean Health, Sailing Resilient Nation” nito lamang Mayo 27, 2026 sa baybaying parte ng Brgy. San Vicente Bajo, Oroquieta City, Misamis Occidental.

Nagkaisa ang mga tauhan ng Oroquieta City Police Station, Philippine Coast Guard, BJMP, CENRO, mga Barangay Officials at volunteers sa paglilinis at pangunguha ng iba’t ibang basura upang mapanatili ang kalinisan sa dagat.

Sako-sakong basura ang nakolekta ng naturang grupo pagkatapos ng ilang oras na pagtutulungan sa paglilinis.

Layon nito na panatilihing malinis at buhay ang ating karagatan na pinagkukuhanan ng mga yamang dagat at hanapbuhay ng ating mga kababayan dahil ang pangangalaga ng kalikasan ay responsibilidad nating lahat at naaayon sa adhikain na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply