Arestado sa ikinasang Law Enforcement Support Operations (LESO) ng mga kapulisan at kasundaluhan ang isang notorious drug personality sa Sitio Dumlog, Barangay Timuddas, Pata, Sulu nito lamang Martes, Mayo 26, 2026.
Kinilala ni Police Captain Victor Villasor, Acting Chief of Police ng Pata Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Black,” na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay sa iligal na droga at criminal offenses.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Charlie Company at Scout Platoon ng 104th Infantry “Para sa Bayan” Battalion, PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pata MPS.
Solido ang PNP at AFP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa bayan at naaayon sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



