Arestado ang tinaguriang mga miyembro ng “Pondoyo Robbery Group” habang nasawi ang isa pa nitong kasama matapos manlaban sa hot pursuit operation ng pulisya sa Ozamiz City, Misamis Occidental noong Setyembre 2, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Nestor C Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, naganap ang pagnanakaw ng mga suspek bandang 11:15 ng gabi noong Setyembre 1, 2026. Nakapasok ang mga suspek sa isang commercial establishment sa pamamagitan ng butas na ginawa nila sa konkretong pader sa likurang bahagi ng gusali at tinangay ang vault na may lamang tinatayang Php60,000 na pera.
Sa pamamagitan ng pagproseso sa crime scene, gayundin ng pagkuha at pagsusuri sa mga available na CCTV footage, nakilala ng mga imbestigador ang mga suspek na sina alyas “Joe” at alyas “Boy,” na pawang residente ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur. Natuklasan din na si “Joe” ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong Robbery, na nakatala sa ilalim ng Criminal Case No. 2022-10-4516 sa Zamboanga del Sur.
Nakilala rin ang mga suspek sa pagnanakaw sa sangay ng kaparehong commercial establishment sa Gingoog City, Misamis Oriental, noong Pebrero 2026, gayundin sa pagnanakaw sa parehong sangay ng home improvement store sa Tudela, Misamis Occidental, noong Abril 24, 2026.
Nabatid na naaresto si “Joe” sa kanyang tirahan habang nang matunugan ni alyas “Boy,” ang mga pulis ay bigla na lamang ito binunot ang kanyang .45 caliber at pinaulanan ng bala ang pulisya na dahilan upang gumanti ng putok at nagkaroon ng tama ng bala sa kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagkasawi.
Ang naarestong suspek na si “Joe” ay nahaharap kasong Robbery at Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“This accomplishment demonstrates the value of focused and intelligence-driven policing. In less than 24 hours, our personnel developed vital leads, identified the suspects, and acted swiftly to place one of them under arrest. We will continue to pursue individuals and groups involved in robbery and other criminal activities through lawful and properly coordinated police operations” (Ipinakikita ng accomplishment na ito ang kahalagahan ng nakatuon at intelligence-driven na pagpapatupad ng batas. Sa loob lamang ng wala pang 24 oras, nakalap ng ating mga tauhan ang mahahalagang impormasyon, natukoy ang mga suspek, at agad na kumilos upang maaresto ang isa sa kanila. Patuloy nating tutugisin ang mga indibidwal at grupong sangkot sa robbery at iba pang kriminal na gawain sa pamamagitan ng naaayon sa batas at maayos na koordinadong operasyon ng pulis), pahayag ni RD Babagay.
Source Police Regional Office 10-RPIO
Panulat ni PMSg Grace Ortiz



