Php340,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Mabalacat City; suspek, arestado

0
171

Isang drug suspek ang naaresto matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Mabalacat City Police Station – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas 1:18 ng madaling araw noong Setyembre 2, 2026, sa Sitio Baluarte, Brgy. Dapdap, Mabalacat City, Pampanga.

Sa isinagawang operasyon, naaresto ang 31 anyos na suspek, habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat. Nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na Php340,000.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Mabalacat CPS para sa kaukulang dokumentasyon, imbestigasyon, at disposisyon. Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso sa ilalim ng Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaigting ng Pampanga Police Provincial Office (Pampanga PPO) ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pakikipagtulungan sa mga concerned agencies at stakeholders upang mapanatili ang ligtas, mapayapa, at drug-free na mga pamayanan sa buong lalawigan. Ang magumpay na operasyon ay naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Pampanga PPO (https://www.facebook.com/share/p/18EBfW6WXm/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply