Pormal na binuksan ng Marinduque Police Provincial Office (PPO) ang dalawang araw na Seminar-Workshop kaugnay ng proper handling ng mga kaso at paghahanda ng mga judicial affidavits na isinagawa noong November 9, 2026 sa Camp Colonel Maximo Abad, Barangay Bangbangalon, Boac, Marinduque, na dinaluhan ng 50 police personnel mula sa iba’t ibang yunit ng kapulisan sa lalawigan.
Nanguna sa seremonya ang pamunuan ng Marinduque PPO, sa pamumuno ni PCol Cornelio C. Tadena, Jr., Provincial Director, na nirepresenta ni PLtCol Erwin A. Garcia, Deputy Provincial Director for Operations, kung saan ipinaabot nito ang mensahe ng Provincial Director kaugnay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga tauhan kaugnay sa paghahanda ng mga kaso at judicial affidavits.
Kabilang sa mga naging facilitator ng nasabing pagsasanay si PMaj Jerome V. Mendiola, Chief ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU), kasama sina Atty. Lea Angelica R. Rioflorido, Assistant Provincial Prosecutor, at si Atty. Jessica S. Vicente-Asuque, Prosecution Attorney, na nagbahagi ng kanilang kasanayan at practical insights sa tamang paghahanda ng kaso, dokumentasyon, at pagkakaron ng mga judicial affidavits.
Layon ng aktibidad na pagtibayin ang kapabilidad ng mga kapulisan sa lalawigan upang matiyak ang tama, kompleto at naaayon sa batas na mga dokumentasyon ng kaso, at pagtiyak ng de-kalidad at epektibong mga imbestigasyon para sa pagkamit ng hustisya.
Bilang pagtalima sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” aasahan ng publiko na patuloy ang Marinduque PPO sa paglulunsad ng parehong mga programa para sa maayos at epektibong pagpapatupad ng batas para sa pagpapanatili ng hustisya sa ating mga komunidad.
Source: https://www.facebook.com/share/p/19mcWpGRXi/?mibextid=wwXIfr

