Nagsagawa ng On-site Security Assessment ang Maguindanao del Norte Police Provincial Office (PPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCol George D Bagundol Jr., Provincial Director, kasabay ng pagsisimula ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) nito lamang alas 8:00 ng umaga ng September 14, 2026 sa bayan ng Buldon, Maguindanao del Norte.
Nanguna si PCol Bagundol sa pagsiguro sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan ng nasabing bayan kung saan personal nitong ininspeksyon ang sitwasyon ng mga nakatalagang kapulisan maging ang kabuuang security status ng nasabing bayan habang ginaganap ang kauna-unahang BARMM PE.
Layon ng inspeksyon na pagtibayin ang ipinatutupad na mga security measures, deployment status, at ang kahandaan ng lahat ng mga yunit ng pulisya upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng buong lugar. Wala namang naiulat na anumang kritikal na insidente kasabay ng isinagawang inspeksyon.
Bilang bahagi sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” mariing tiniyak ni PCol Bagundol ang kahandaan ng Maguindanao del Norte PPO upang tiyakin na napapangalagaan ng maayos ang karapatan ng mga mamamayan na bumoto at pumili ng kanilang mga lider sa rehiyon ng payapa, ligtas at walang karahasan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1Exkjs5YDj/?mibextid=wwXIfr

