Pinangunahan ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang patuloy na monitoring sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) ngayong Setyembre 14, 2026, mula sa PNP Command Center (PCC) War Room, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Kasama ang mga pangunahing opisyal ng PNP, personal na sinubaybayan ni PGen Nartatez ang sitwasyon sa halalan, gayundin ang deployment at security operations ng mga personnel ng PNP sa mga lugar na sakop ng BARMM.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na monitoring, mahigpit na tinututukan ng pamunuan ng PNP ang seguridad at police operations upang matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos, na pagsasagawa ng electoral process. Isinasagawa rin ang koordinasyon sa mga concerned government agencies at stakeholders upang mapanatili ang kaayusan at agad na matugunan ang anumang security concern na maaaring lumitaw sa panahon ng halalan.
Patuloy na ginagampanan ng PNP ang mandato nitong protektahan ang mamamayan, tiyakin ang seguridad ng halalan, at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa buong BARMM PE, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1FEjRey4pd/)

