Cotabato CPO, iniimbestigahan ang naganap na pamamaril sa polling center

0
134

Mabilis nang iniimbestigahan ng Cotabato City Police Office (CPO), sa pamumuno ni PCol Jibin M. Bongcayao, City Director, sa insidente ng pamamaril na naganap sa loob ng Cotabato Pilot Central School habang isinasagawa ang 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) noong Setyembre 14, 2026.

Batay sa paunang impormasyon, tatlong sibilyan at isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagtamo ng mga sugat at agad na isinugod sa pagamutan para sa kaukulang atensiyong medikal.

Kaagad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Cotabato CPO upang matukoy ang mga pangyayari at mga indibidwal na sangkot sa insidente. Isinagawa rin ang mga follow-up operation, kabilang ang intelligence gathering at pagkuha ng mga salaysay, upang matukoy ang mga responsable at mapanagot ang sinumang mapatunayang may pananagutan sa insidente.

Kasabay nito, pinaigting ng Cotabato CPO ang police visibility at security measures sa mga estratehikong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante, election personnel, at iba pang mamamayan. Nanawagan din ang pulisya sa publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag, at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon.

Patuloy ang imbestigasyon at pagpapatupad ng mga kinakailangang security measures ng pulisya upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang mapayapa, ligtas, at maayos na pagsasagawa ng halalan, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply