Lamitan CPS, patuloy sa pagbabantay ng seguridad kaugnay sa 2026 BARMM PE

0
80

Patuloy ang maigting na pagbabantay ng buong pamunuan ng Lamitan City Police Station (CPS) sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Janz Vladimir G Hilarion, Officer-In-Charge, sa seguridad ng mga voting centers at polling precincts sa lungsod ng Lamitan, kaugnay sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) na kasalukuyang ginaganap ngayong araw, September 14, 2026.

Bilang bahagi sa mga hakbang ng himpilan para panatilihin ang kaligtasan ng publiko maging ang kapayapaan at kaayusan ng mga komunidqd, nagtalaga ang Lamitan CPS ng sapat na mga tauhan sa mga paaralan sa lungsod na magsisilbing tagabantay ng mga polling precincts ng naturang electoral process.

Aasahan ang mga naitalagang kapulisan na tutulong sa pagtiyak ng ligtas at maayos na pagboto, pagbabantay sa mga election facilities at mga equipment, at maging sa pagtiyak ng kapakanan ng mga guro, at iba pang mga election personnel.

Bilang pagtalima sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” walang humpay din ang pakikipag-ugnayan ng Lamitan CPS sa Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines at sa iba pang mga concerned agencies para sa maayos na pagsasakatuparan ng BARMM PE 2026 sa lungsod.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ee5SEpPyC/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply