PRO BAR, pinaigting ang seguridad sa Cotabato City para sa ligtas na halalan 2026

0
127

Pinaigting ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sa pamumuno ni PBGen Christopher M. Abecia, Regional Director, ang security operations sa Cotabato City upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante, election personnel, at publiko sa gitna ng mga naitalang insidente ngayong araw ng halalan. Pinalakas ang deployment ng mga police unit sa mga polling center at iba pang strategic areas, habang nananatiling nakaantabay ang mga response team para sa mabilis at agarang pagtugon sa anumang insidente.

Kasabay ng pinaigting na police presence, nagpapatuloy ang investigation at pursuit operations upang matukoy ang mga responsable at mabatid ang buong pangyayari sa likod ng mga insidente. Tiniyak ng PRO BAR na nakatuon ang mga tauhan nito sa pagpapanatili ng peace and order at pagprotekta sa mga mamamayan habang isinasagawa ang electoral process.

Isinasagawa ang mga security measures sa mahigpit na koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang security partners upang palakasin ang coverage sa mga polling center at strategic areas. Nanawagan din ang PRO BAR sa publiko na manatiling kalmado at mapagbantay, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o security concern upang mabilis itong matugunan.

Sa presensya ng mga PNP personnel at tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga security partners, nananatiling nakatuon ang PNP sa pagsiguro sa kaligtasan ng mamamayan at sa kanilang karapatang bumoto. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO BAR (https://www.facebook.com/share/p/1EZVAFEouy/)

Leave a Reply