Saturday, May 18, 2024

Magsasaka, arestado dahil sa ilegal na baril at bala

Nakumpiska mula sa isang magsasaka ang ilegal na baril at bala matapos na ihain sa kanya ang isang search warrant sa mismo nitong tahanan sa Barangay Datu Ladayon, Arakan, Cotabato nito lamang Mayo 3, 2024. 

Kinilala Police Major Jose Ryan B Feranil, Hepe ng Arakan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ariel”, nasa wastong gulang, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PMaj Feranil, dakong alas-5:05 ng umaga nang ihain ng kanilang hanay ang search warrant laban sa suspek na kung saan narekober sa loob ng pamamahay nito ang isang Cal. 45 na baril na may kasamang magasin at limang bala. 

Agad namang dinala ang suspek sa nasabing istasyon at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ang Arakan PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra kriminalidad, alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga taong patuloy na gumagawa ng ilegal na aktibidad.

Paalala naman sa publiko na may karampatang parusa ang sinumang mahuli na nagtatago ng mga hindi lisensyadong armas lalong-lalo na sa ipinagbabawal na gamot sa kanilang mga tahanan.

Panulat ni Pat Kherwin Jay Medelin

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles