Mabilis na responde ng La Trinidad MPS, agarang nakatulong sa lalaking nangailangan ng medikal na atensyon

0
26

Muling pinatunayan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station ang kanilang malasakit sa komunidad matapos silang magpamalas ng mabilis na responde para matulungan ang isang lalaking nangangailangan ng agarang medikal na atensyon sa naganap na Barangay Beckel, La Trinidad, Benguet nito lamang hapon ng lunes, Hulyo 27, 2026.

Ang insidente ay kaagad na nirespondehan ni PSSg Ronalyn Pagtud at PCpl Mark Hill Degyem na nakikipagtulungan sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Beckel, at nagpakita ng pambihirang dedikasyon dahil sa kanilang mabilis na tugon sa Vehicular Traffic Incident (VTI) na kinasangkutan ng isang motorsiklo at isang van.

Pagkatapos sinuri ng mga pulis at mga kawani ng Barangay Beckel at mga boluntaryo ang sitwasyon, ay natuklasang nagtamo ng mga pinsala ang nakamotor dahil sa banggaan. Kaya naman, nagtulong-tulong sila upang magbigay ng agarang paunang lunas sa nasaktang indibidwal upang matiyak ang kaligtasan at kalagayan nito.

Matapos ang paunang lunas, ligtas na dinala ang motorista sa Baguio General Hospital and Medical Center para sa komprehensibong pagsusuring medikal at paggamot.

Ang kahanga-hangang pagtugon ng tauhan ng La Trinidad MPS kasabay ng kanilang maagap na koordinasyon ay sumasalamin sa layunin ng Bagong PNP na maghatid ng “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kung saan ang bawat pulis ay handang  gampanan ang tungkulin, hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kaayusan kundi pati rin sa makataong paglilingkod.

Source: PNP La Trinidad MPS

Leave a Reply