Wednesday, May 8, 2024

Lola nahimatay, nirespondehan ng Sto. Tomas PNP

Batangas – Agad na nirespondehan ng Sto. Tomas PNP ang isang lola na nawalan ng malay sa kasagsagan ng dagsa ng tao sa San Joaquin Cemetery, Barangay San Joaquin, Sto. Tomas, Batangas nito lamang Nobyembre 1, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Samson Belmonte, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang dalawang magiting na pulis na sina Police Corporal John Robert Forio at Patrolman Rodney Glyn Cornejo, mga tauhan ng Sto. Tomas City Police Station.

Kinilala naman ang lola na si Zeny Gobe, 65, senior citizen, residente ng nasabing bayan.

Agad na nirespondehan ng dalawang pulis na nakatalaga sa Police Assistance Desk (PAD) si Lola Zeny nang lumapit ang isang lalaki at humingi ng tulong sa kanila dahil nahirapan umano huminga si lola.

Binuhat ng dalawang pulis ang lola papunta sa Rescue Ambulance ng Local Government ng Sto. Tomas na naka-stand-by din sa naturang sementeryo at di kalaunan ay naging maayos ang kalagayan matapos malapatan ng first aid.

“Saludo ako sa ipinakitang kabayanihan at mabilis na pagresponde ng ating kapulisan. Tanda ito na ang mga pulis Batangueño ay hindi lamang matatapang at magigiting kundi mayroon ding puso at malasakit,” pahayag ni PCol Belmonte.

Source: Batangas PNP Public Information Office

Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,130SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles