Lalaki, arestado ng Magpet PNP sa ilegal na baril

0
40

Arestado ang isang lalaki matapos nakumpiskahan ng ilegal na baril sa isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng Magpet Municipal Police Station sa Barangay Amabel, Magpet, Cotabato noong Hulyo 20, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Dante,” 36-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Narekober sa naturang operasyon ang isang kalibre .38 na revolver.

“Patuloy nating ipatutupad ang batas laban sa mga indibidwal na ilegal na nagtataglay ng mga baril. Ang bawat matagumpay na operasyon ay hakbang tungo sa mas ligtas at mas mapayapang komunidad para sa lahat,” ani ni PBGen Manibog.

Leave a Reply