Drug personality, arestado; Php240K halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa Cebu City

0
39
Oplus_131072

Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Candarong, Brgy., Pulangbato, Cebu City noong Hulyo 20, 2026.

Kinilala ni PCpt Wilmer Macasling Castillo, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Office Police Station 8, ang suspek na si alyas “Chai”, 39 anyos na residente ng Sitio Kanumay 2, Brgy. Pit-os, Cebu City.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 55 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php240,000.

Kasalukuyang nakapiit ang naarestong indibidwal sa Custodial Facility habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na mananatiling maigting ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply