Lalaki, arestado ng Kapalong PNP; Hinihinalang shabu, baril, at bala narekober

0
40

Nakuhanan ang isang lalaki ng hinihinalang shabu, baril at bala ng mga tauhan ng Kapalong Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation kaugnay sa pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) noong Hulyo 15, 2026 sa Kapalong, Davao del Norte. 

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Kapalong MPS sa pakikipagtulungan ng 2nd Company, Regional Mobile Force Battalion 11, Davao del Norte Police Intelligence Unit, at RPSB-Kapalong Cluster sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Bryle F. Patalinghug, Chief of Police.

Kinilala ang suspek na si alyas “Larry” na nakuhanan ng 18 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 4.92 gramo at tinatayang standard street value na Php33,456, isang Norinco .45-caliber pistol na may magazine at 23 live ammunition, isang Nokia 3310 cellular phone, isang transparent na plastic container, isang brown sling bag, at buy-bust money.

Patunay ang matagumpay na operasyon na walang humpay na kampanya ng mga awtoridad laban sa iligal na droga at loose firearms alinsunod sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply