La Union PPO, nagsagawa ng coastal cleanup at Zumba bilang bahagi ng ika-31 PCR Month

0
59

Nagsagawa ang La Union Police Provincial Office (LUPPO) ng Coastal Cleanup at Zumba Activity noong Hulyo 17, 2026 sa Agoo Eco-Park, Brgy. Sta. Rita West, Agoo, La Union bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ni Police Colonel Redentor C. Ulsano, Provincial Director ng LUPPO, ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Barangay Sta. Rita West, Agoo Police Station, NAPOLCOM Regional Office 1, at iba pang katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan.

Nilahukan ang programa ng mga tauhan ng LUPPO, mga kinatawan ng NAPOLCOM, lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholder na sama-samang nagsagawa ng paglilinis sa baybayin at Zumba. Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, hikayatin ang malusog na pamumuhay, at higit pang patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng publiko.

Patuloy na isinusulong ng LUPPO ang mga programang nagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa mamamayan, pangangalaga sa kalikasan, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, na kaakibat ng adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: LUPPO

Leave a Reply