Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PMaj Kevin A Estilles, Chief of Police, katuwang ang Camarines Norte Police Intelligence Unit (CNPIU), ang isang wanted person noong Mayo 19, 2026, bandang alas-12:20 ng tanghali sa Jose Panganiban, Camarines Norte.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Xander”, 37 taong gulang, isang construction worker at residente ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte, noong Abril 14, 2026, kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at kasalukuyang isinailalim sa kustodiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy na pinaaalalahanan ng Jose Panganiban MPS ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga taong may kinahaharap na kaso at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad alinsunod sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



