Muling naghatid ng serbisyo ang Barcelona Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng “Libreng Sakay” para sa isang senior citizen mula sa Brgy. Bangate, Barcelona, Sorsogon, sa pangunguna ni PCpt Larry L Vibar, Acting Chief of Police ng nasabing himpilan.
Layunin ng aktibidad na maibsan ang hirap sa transportasyon ng mga senior citizen at matiyak na naihahatid ang agarang tulong sa mga nangangailangan sa komunidad, gayundin ay upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na malasakit at dedikasyon ng kapulisan sa pagbibigay ng serbisyong publiko na mabilis, maayos, at maaasahan.
Bahagi rin ang naturang inisyatiba sa patuloy na adbokasiya ng PNP na nakabatay sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



