Umabot sa 594 na mga violators ang nahuli ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang province-wide operations noong Mayo 19, 2026 sa ilalim ng “Safer Cities Initiative” sa pamumuno ni Provincial Director PCol Abubakar Udang Mangelen Jr.
Tinatayang nasa kabuuang 219 na operasyon ang isinagawa ng pulisya laban sa mga lumabag sa lokal na ordinansa tulad ng pag-inom at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, curfew violations ng mga menor de edad, ilegal na videoke operations, at paglabag sa mga traffic ordinances.
Binigyang-diin ni PCol Mangelen na mahalaga ang disiplina at mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang pagtaas ng kriminalidad sa komunidad.
Pinuri naman ni PRO7 Regional Director PBGen Arnold Evangelista Abad ang CPPO sa tuloy-tuloy nitong kampanya laban sa kriminalidad alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”



