Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang isang 21-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Jo”, isang virtual assistant, sa isinagawang buy-bust operation sa pangunguna ng Police Station 1 ng Bacolod City Police Office sa Palanca Road, Barangay 12, Bacolod City, dakong alas 1:16 ng madaling-araw nito lamang Agosto 16, 2026.
Narekober sa operasyon ang tinatayang 350 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang Php2.38 milyon.
Kasama rin sa mga narekober ang isang sachet ng shabu bilang buy-bust item; apat na knot-tied plastic bags ng suspected shabu; limang malalaking sachets ng suspected shabu; dalawang elongated sachets ng shabu; isang body bag; at isang Php1,000 bill na buy-bust money.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagtitinda umano ng ilegal na droga ang suspek sa Barangay 12, 16 at 35, maging sa iba pang mga kalapit na lugar.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bilang pagtalima sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” mananatiling paiigtingin ng PRO-NIR ang lahat ng kanilang mga kampanya kontra kriminalidad partikular na sa pagsugpo sa operasyon ng ilegal na droga sa nasabing lungsod.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1bqbHmvVsk/?mibextid=wwXIfr



