Ceremonial turnover ng walong Toyota Innova Mobile Patrol Vehicles, isinagawa sa Pampanga PPO

0
133

Pormal na isinagawa ng Pampanga Police Provincial Office (Pampanga PPO) ang ceremonial turnover ng walong Toyota Innova Mobile Patrol Vehicles noong Agosto 17, 2026, sa Covered Court ng Pampanga PPO, Barangay Sto. NiƱo, City of San Fernando, Pampanga. Pinangunahan ni PCol Ricardo M. David, Acting Provincial Director, ang seremonya na naglalayong higit na mapalakas ang mobility at operational capability ng mga tauhan.

Kasabay ng turnover ceremony ang pagbabasbas sa mga bagong patrol vehicle na pinangunahan ni Rev. Father PCol Teddy C. David, Regional Office 3 Chaplain. Inaasahang makatutulong ang mga karagdagang sasakyan sa mas mabilis na pagtugon ng kapulisan sa mga insidente, pagpapatrolya, at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga komunidad ng Pampanga.

Ang pagkakaloob ng mga bagong mobile patrol vehicles ay bahagi ng pagpapatupad ng Management of Resources pillar ng PNP Focused Agenda, na nakatuon sa mahusay na paggamit at pagpapalakas ng mga kagamitan ng kapulisan. Kaakibat nito ang patuloy na pagsusulong ng PNP sa ā€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,ā€ tungo sa mas episyente at maagap na serbisyo publiko.

Source: PNP Pampanga PPO (https://www.facebook.com/share/p/1CYQKfjsJQ/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply