Isang vendor ng iligal na sigarilyo, naaresto ng 5th SOU PNP Maritime Group sa Davao City

0
1078

Naaresto ang isang vendor ng iligal na sigarilyo sa isinagawang buy-bust operation sa Panacan Public Market, Davao City noong Nobyembre 18, 2025, dakong alas-3 ng hapon ng mga tauhan ng 5th Special Operations Unit-Maritime Group (5th SOU-MG) Davao Monitoring Team.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Alic,” legal age, may asawa, at residente ng Purok 12, San Miguel, Panacan, Davao City, ay nahuling nagbebenta ng mga sigarilyong walang graphic health warnings, isang paglabag sa Republic Act 10643 o ang batas na nagtataguyod ng tamang babala sa kalusugan sa mga produktong tabako.

Narekober sa operasyon ang iba’t ibang klase ng iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php33,000. Kabilang dito ang Carnival Menthol, Bravo, Soda, New Aris Menthol, President, Vice President, Walton, New Orleans, Magnate, Commando, M1, Cannon Black Menthol, Bros Red, D&J, at ORIS.

Ayon sa PNP Maritime Group, patuloy nilang pinapaigting ang kampanya laban sa iligal na kalakalan ng tabako upang maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng publiko, alinsunod sa adbokasiya ng pamahalaan na itaguyod ang responsableng kalakalan at mas ligtas na komunidad.