Wanted Person sa paglabag sa RA 7610, naaresto sa Dagupan City ng mga tauhan ng  Dagupan MLET PNP Maritime Group

0
588

Naaresto ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ng mga tauhan ng Dagupan Maritime Law Enforcement Team (MLET).

Bandang 12:00 ng hapon ng Nobyembre 18, 2025, isinagawa ng mga operatiba ng Dagupan MLET ang pag-aresto kay alyas “Jer”, 25 taong gulang, binata, isang Dental Technician, at residente ng Claveria Road, Malued, Dagupan City.

Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Paglabag sa Section 5(B), Article III ng Republic Act 7610, na may nakalaang piyansang nagkakahalaga ng Php100,000.

Patuloy na pinaiigting ng PNP Maritime Group ang pagpapatupad ng batas at pagsisilbi ng mga Warrant of Arrest upang matiyak ang kaligtasan, hustisya, at kapakanan ng komunidad.