Naaresto ang isang 28-anyos na lalaki na may alyas na “Raffy” sa isinagawang entrapment operation ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team noong Pebrero 11, 2026, bandang alas-8:00 ng gabi sa Taguig City.
Nahuli ang suspek dahil sa umano’y pangingikil at pangha-harass sa isang babae gamit ang mga pribado at maseselang larawan at video nito.
Mahaharap si “Raffy” sa mga kasong paglabag sa Article 286 (Grave Coercion) ng Revised Penal Code at RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, kapwa kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012”.
Pinuri ni PBGen Wilson C. Asueta, Acting Director ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Aniya, walang sinuman ang may karapatang gamitin ang pribadong larawan upang manakot, manghiya, o kontrolin ang ibang tao, at patuloy nilang tutugisin ang mga sangkot sa online harassment at pang-aabuso.



