Top 1 Municipal at Top 6 Provincial Most Wanted Person sa kasong Qualified Statutory Rape, arestado sa Olongapo City

0
376

Arestado ang tinaguriang Top 1 Municipal at Top 6 Provincial Most Wanted Person sa kasong Qualified Statutory Rape sa joint operation ng mga otoridad sa Olongapo City, Central Luzon nito lamang Pebrero 15, 2026.

Kinilala ni Police Captain Billy Owen O Burgos, Officer-In-Charge ng Jose Abad Santos Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jun2x”, 39 anyos, may-asawa, construction worker at residente sa Brgy. Bukid, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Dinakip ang suspek sa kasong Qualified Statutory Rape sa ilalim ng Art. 266-A par. 1(d) in relation to Art. 266-B sa Revised Penal Code, Criminal Case No. FC002(2025) na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.