Isang drug personality, arestado sa buy-bust op ng Batangas PPO; Php374K halaga ng shabu, nasamsam

0
89

Isang drug personality ang naaresto ng Batangas Police Provincial Office (Batangas PPO) sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Batangas Component City Police Station noong Hulyo 14, 2026 sa Barangay Wawa, Batangas City. Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Acting Provincial Director PCOL Oliver B. Ebora.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Damian,” 67 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Wawa. Nahuli siya matapos umanong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang police operative na nagpanggap na buyer, na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Nasamsam sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 55 gramo at Standard Drug Price na Php374,000. Nakumpiska rin ang isang coin purse, isang Nokia cellphone, pitong Php100 na recovery money, at isang tunay na Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng suspek, isang kinatawan ng media, at isang opisyal ng barangay. Gumamit din ang mga operatiba ng dalawang body-worn camera upang matiyak ang maayos at transparent na dokumentasyon ng operasyon. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas Component City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165.

Patuloy na pinaiigting ng Batangas PPO ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatiling ligtas, mapayapa, at drug-free ang mga komunidad, kaakibat ang adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Batangas PPO

Leave a Reply