45-day na Investigation Officers Basic Course, isinagawa ng PRO 4A

0
89

Isinagawa ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang pormal na pagbubukas ng 45-day Investigation Officers Basic Course (IOBC) noong Hulyo 14, 2026 sa PRO 4A Multi-Purpose Center Hall, Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Glenn D. Lonogan, Deputy Director for Administration ng Police Regional Office 4A, ang seremonya na dinaluhan ng 41 Police Commissioned Officers (PCOs) ng PRO 4A na sasailalim sa masusing pagsasanay sa police investigation.

Layunin ng IOBC na higit pang palawakin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mas episyente, propesyonal, at may integridad na imbestigasyon. Inaasahang magiging mas handa ang mga police investigator sa pagtupad ng kanilang mandato at sa paghahatid ng mapagkakatiwalaang serbisyo sa publiko.

Ipinakikita ng naturang programa ang patuloy na pagtutok ng PRO 4A sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tauhan nito, alinsunod sa Focused Agenda ng Chief, PNP at sa pamumuno ni PBGen Dominic L. Baccay, Acting Regional Director ng PRO 4A. Isinusulong din nito ang pamantayang BEST (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust) upang higit pang mapahusay ang kalidad ng serbisyo ng kapulisan.

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na tulad ng IOBC, patuloy na pinalalakas ng PRO 4A ang propesyonalismo at kahandaan ng mga police investigator, kaakibat ng adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 4A

Leave a Reply