Hinihinalang shabu, granada at mga bala, nakumpiska sa checkpoint ng Guindulungan PNP; lalaki,arestado

0
96

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng mga awtoridad ng hinihinalang shabu, granada at mga bala sa ikinasang PNP checkpoint sa Barangay Tambunan II, Guindulungan, Maguindanao del Sur noong Hulyo 13, 2026.

Kinilala ni Police Captain Aksad S Lacson, Chief of Police ng Guindulungan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Asraf”, 39 anyos, na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Law, Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives, at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na narekober mula sa suspek ang isang granada, 120 live ammunition, apat na rifle magazines, at hinihinalang shabu matapos walang maipakitang legal na dokumento nang maharang sa checkpoint ng pulisya habang sakay ng motorsiklo.

Nananatiling matatag ang Guindulungan PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na law enforcement operations, pinalakas na ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at aktibong pakikilahok ng komunidad alinsunod sa adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply