Isang bata, naging benepisyaryo ng Project H.O.P.E. sa Tawi-Tawi

0
747

Nagsagawa ang Tawi-Tawi 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Project H.O.P.E. o Helping Outstanding Pupil Educationally sa Badjao Village, Luuc Banca, Barangay Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi noong ika-7 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Christian Joy Alqueza, Force Commander ng 1st PMFC kung saan namahagi sila ng isang pares ng sapatos sa isang sampung taong gulang na babae na nag-aaral sa Luuc Banca Elementary School.

Napag-alaman din na ang kanilang napiling benepisyaryo ay isang consistent honor student simula noong siya ay nasa nursery school.

Ang proyektong ito ay kaugnay ng “Adopt a Student”, “Project AKAP” at “Kapwa Ko, Sagot Ko” na naglalayong makapag-abot ng tulong sa mga mag-aaral at maiparamdam ang nararapat na suporta at pagmamahal sa kanila.

Panulat ni Pat Ma. Señora J Agbuya