PBBM pinangunahan ang pagdiriwang ng Landownership Milestone sa Davao City

0
680

Matagumpay na idinaos ng Department of Agrarian Reform (DAR) 11 ang pagdiriwang ng Landownership Milestone sa pamamagitan ng pamamahagi ng Regionwide E- Title Distribution sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na ginanap sa Rizal Memorial College Gym, Lopez Jaena Street, Davao City, nito lamang Pebrero 7, 2024.

Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  kasama sina Vice President Sara Z. Duterte, DAR Secretary, Condrado M. Estrella III, mga opisyal, at personnel ng Department of Agrarian Reform 11 at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Nasa 2,600 Agrarian Reform Beneficiaries ang nakatanggap ng Land Electronic Titles ( E- Titles) na may saklaw na may kabuuang lawak na 3,560 ektarya sa buong rehiyon.

Ang pagtitipon ay napakahalaga para sa pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project ng DAR na nakatuon sa pagpapabuti ng seguridad sa pagsasaka ng lupa at sapat na distribusyon ng mga karapatan sa ari-arian ng mga beneficiaries.

Bukod pa rito, ang kaganapang ito ay nagsisilbing testamento sa sama-samang pagsisikap na nakatuon sa pagsasakatuparan ng isang maunlad na kinabukasan para sa mga mamamayan ng rehiyon onse tungo sa isang Bagong Pilipinas.