Nagsagawa ang mga tauhan ng Infanta Municipal Police Station (MPS) ng school visitation, dialogue, at inspeksyon sa mga entry point ng mga paaralan ng Rizal Marine and Techno-Computer College, Binulasan Integrated School, at Infanta Central School sa Infanta, Quezon nito lamang Agosto 12, 2026, bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga hakbang sa pagpapanatili ng seguridad sa mga paaralan.
Layunin ng aktibidad na maiwasan ang pagpasok ng mga baril, patalim, at iba pang ipinagbabawal na kagamitan sa loob ng paaralan upang matiyak ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at mga guro.
Kasabay nito, hinikayat ng Infanta MPS sa ilalim ng liderato ni Police Major Fernando L Credo, Acting Chief of Police, Infanta MPS, ang pakikipagtulungan ng mga school officials, magulang, at mga mag-aaral sa pagpapanatili ng disiplina at pagiging mapagmatyag laban sa anumang banta sa kaligtasan.
Ang aktibidad ay bahagi ng suporta at ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police sa pagsusulong ng ligtas, mapayapa, at maayos na mga paaralan, alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Infanta Municipal Police Station
Panulat ni PMSg Grace Ortiz



