Php170K halaga ng hinihinalang Shabu nasamsam, suspek arestado sa buy-bust operation sa GenSan

0
80

Arestado ang isang hinihinalang drug personality matapos makumpiska ang tinatayang 25.12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php170,816 sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Labangal, General Santos City nito lamang Agosto 10, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek sa alyas na “Boboy,” na nahuli ng mga operatiba ng City Police Drug Enforcement Unit ng General Santos City Police Office, katuwang ang General Santos City Intelligence Unit at Police Station 2.

Sa operasyon, bumili ang police poseur-buyer ng humigit-kumulang 0.2 gramo ng hinihinalang shabu mula sa suspek gamit ang marked Php1,000 bill. Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang itim na belt bag na naglalaman ng limang malalaki at dalawang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu, kasama ang marked money, mga identification card, lighter, gunting, at isang smartphone.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga at sisiguraduhin nating mananagot sa batas ang mga sangkot dito. Ang ganitong operasyon ay mahalaga upang maprotektahan ang ating mga komunidad at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa ating lugar,” saad ni PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply