Holdaper, sugatan matapos manlaban sa rumespondeng pulis; Baril at bala, narekober

0
156

Sugatan ang isang holdaper matapos manlaban sa rumespondeng pulis matapos nitong isagawa ang panghoholdap sa loob ng isang pampasaherong jeep na bumibiyahe sa rutang Alabang at tinutukan ng baril ang isang babaeng estudyante at sapilitang kinuha ang cellphone at wallet nito bandang 2:15 ng hapon nito lamang Agosto 11, 2026.

Ayon kay Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director ng National Capital Region Police Office, agad na rumesponde ang mga pulis na sina Police Master Sergeant Alvin A Cordero at Police Staff Sergeant Lloyd H Francisco ng Muntinlupa City Police Station at nakorner ang suspek sa footbridge sa East Service Road, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Nabatid na mapansin ang presensya ng pulisya, agad na bumunot at itinutok ng suspek ang baril sa mga pulis, kaya agad na nagkaroon ng konfrontasyon na nagresulta sa pisikal na sagupaan, kung saan pumutok ang baril at nagtamo ng tama ng bala sa leeg ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .45-caliber Colt na baril, isang magazine na may lamang tatlong bala ng .45-caliber na ammunition, isang Xiaomi 11T Pro cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng Php37,000, isang itim na wallet na naglalaman ng iba’t ibang identification card, at isang sling bag.

“Those who use firearms to prey on commuters and then threaten responding police officers should expect swift pursuit and full accountability under the law. The NCRPO will not allow armed offenders to endanger passengers, challenge our police personnel, and evade the consequences of their actions. We will continue to respond decisively and protect the public at all times,” pahayag ni PMGen Aberin.

Source: National Capital Region Police Office

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply